AbcSongLyrics.com

Lani Misalucha Tila song lyrics


Lani Misalucha Tila song lyrics
Tila inulan ang puso ko
Nang naglamig ang 'yong pagsuyo
O bakit nagbago ang iyong pagtingin
Parang malamig na panahon

At nang ikaw ay kinausap ko
Habang ang ulan ay bumubuhos
Nakita ko sayong mga mata
Na gaganda ang panahon.

Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Kahit madilim ang kalawakan may nagtatagon sinag sa ulap

Tila inulan ang puso ko
Nang parang naglaho ang pagibig mo
O bakit ka kaya nagbago
Sinlamig ng panahon

Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Liliwanag din ang kalangitan
At ang araw ay sisikat nang muli

Ang karimlan ay haharapin
Matatanaw ko rin
Bughaw na langit
Umaasang pagibig mo ay magbabalik

Pawiin mo ang lungkot sa puso ko
Kahit madilim ang kalawakan
May nagtatagong sinag sa ulap
Tila hihina rin ang ulan
Tila lilipas din ang bagyo
Liliwanag din ang kalangitan
At ang araw ay sisikat nang muli